Senate โ€œ๐—ฆ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฑ ๐—ฃ๐——๐—ฃ, ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜†: ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป!โ€

โ€œ๐—ฆ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฑ ๐—ฃ๐——๐—ฃ, ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜†: ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป!โ€

Bilang isang miyembro ng Duterte bloc, kabilang kaming mga solid na PDP Senators, naninindigan ako sa aming desisyon, prinsipyo at mga ipinaglalaban kung kayaโ€™t magkakasama pa din kami ngayon sa minority bloc ng Senado.

Kilala niyo ako, mula noon hanggang ngayon, hinding hindi ko ugaling mang-iwan. Trabaho at serbisyo ang focus ko, hindi pulitika. Palaging mananaig sa akin kung ano ang makabubuti sa sambayanang Pilipino na aking pinagsisilbihan.

Pagkatapos na pormal na maihalal si Sen. Tito Sotto na Senate President, nagbigay-galang ako sa kanya at sa ilang mga kasamahan niya sa Majority bloc upang ipahiwatig ang aking willingness to cooperate and work with them bilang kapwa senador kahit na may pagkakaiba kami sa opinyon sa iilang mga bagay.

Napatunayan ko na naman sa kanila noon na mabait akong katrabaho, nakikisama, at nakikipagtulungan. Sinabi ko sa kanila na I am the least of their worries. Hindi ako magiging problema dahil nais ko lang magtrabaho at magserbisyo sa abot ng aking makakaya.

Nais kong klaruhin sa lahat na wala akong sinabing gusto kong sumama sa kanila. Sa oras na nagkausap kami, tapos na ang laban, sapat na ang boto, at naihalal na siya bilang bagong SP. Hindi rin naman nila kami kinausap prior to the change in leadership upang hingin ang aming suporta kaya walang punto o katotohanan na ninais kong pumirma in favor sa kanila. Ang pagpapakumbaba ko sa harap nila ay sumisimbulo lamang ng aking pagnanais na maiwasan ang away-pulitika dahil hindi ito nakakatulong.

Kaugnay rin sa pagpalit ng SP ang usaping Committee assignments, kasama na ang aking pagiging Chairperson ng Health Committee na aking tinutukan ng anim na taon simula 2019 kung kailan si Sen. Sotto rin ang SP noon. Totoo na umapela ako kung pwedeng hindi ako mapalitan dahil kalusugan ang aking pangunahing adbokasiya. Hindi ito napagbigyan at nagdesisyon sila na ibigay ito kay Sen. Risa Hontiveros. Nirerespeto ko iyon kahit na nakakalungkot pero ganyan talaga ang buhay. Patuloy pa rin naman nating isusulong na maisaayos at mailapit ang serbisyong kalusugan sa mga Pilipino.

Sa panghuli, nais kong ibahagi sa lahat na isang collegial body ang Senado na aking kinabibilangan. Dapat naming respetuhin ang opinyon ng isaโ€™t isa at ang kung ano ang nais ng nakararami dahil sumasalamin ito sa demokrasya na aming dapat protektahan bilang mambabatas.

Gayunpaman, anuman ang mangyari sa mundo ng pulitika, hindi magbabago ang prinsipyo at paninindigan ko lalo na ang mga natutunan ko kay Tatay Digong. Patuloy akong magseserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya at umaasa ako na sana ay magkaisa na tayo para sa ikabubuti ng bansa.

โ€” Senator Bong Go

https://www.facebook.com/share/p/17PvM1fapN/?mibextid=wwXIfr

Related Post

Senator Bong Go condemns anomalies in flood control projects, calls for accountability, proper prioritization to protect health and save livesSenator Bong Go condemns anomalies in flood control projects, calls for accountability, proper prioritization to protect health and save lives

Senator Christopher โ€œBongโ€ Go, Chairperson of the Senate Committee on Health, delivered a strong manifestation during the Senate regular session on Wednesday, August 20, aligning himself with colleagues who raised